Pinaghahanap na ang isang US Air Force pilot matapos na bumagsak ang fighter jet nito sa North Sea.

Nasa training mission ang F-15C Eagle mula sa 48th Fighter Wing sa RAF Lakenheath sa Suffok, England.

Agad na rumesponde ang mga rescuer sa nasabing lugar sa East Yorkshire coast.

Ayon kay Col. Will Marshall, commader ng 48th Fighter Wing, na patuloy ang Search and rescue efforts.