Magpapadala ang Britain government ng air defense missiles sa Ukraine para sa pagdepensa laban sa patuloy na pag-atake ng Russia at magbibigay din ng rockets na kayang mapabagsak ang isang cruise missiles.
Ito ay kasunod ng anunsiyo ng Western allies na pagpapadala ng bagong air defense sa Ukraine para mapalakas ang kanilang depensa laban sa mga aerial attack ng Russia.
Sa isang statement sinabi ng British defense ministry na ang AMRAAM rockets ay ibibigay sa mga susunod na linggo para magamit sa NASAMS air defense systems na ipinangako ng Amerika.
Makakatulong din aniya ito para maprotektahan ang critical national infrastructure ng Ukraine.
Bukod pa rito, magpapadala rin ang Britain government ng daan-daang drones para suportahan ang intelligence services ng Ukraine gayundin 18 howitzer artillery guns bilang karagdagan sa 64 na naipadala na sa Ukraine.