Nababahala ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) sa bumabang bilang ng mga bata sa bansa na sumasailalim ng pagbabakuna.

Ayon kay UNICEF Representative Julia Rees, na karapatan ng mga bata na mabigyan ng bakuna para malayo ang mga ito sa anumang uri ng sakit.

Umabot kasi sa 70 % noong 2018 ang nagpakuna kumpara sa 73 % noong 2017.

Itinuturong dahilan ay ang kakulangan ng suplay ng bakuna at ang madalang pagbibigay ng libreng pabakuna ng mga ahensiya sa bansa kaya tuluyang bumaba ang nasabing bilang.