LA UNION – Naitala ang unang kaso ng African Swine Fever (ASF) dito sa La Union sa Barangay Cadaclan, San Fernando City.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo La Union ni Dr. Flocy Decena, city veterinarian.

Napag-alaman na mahigit sa 30 baboy ang namatay, mula sa isang piggery.

Lumabas sa resulta ng test sample na positibo sa ASF ang mga namatay na baboy, kung kaya’t agad na ibinaon ang mga ito sa lalim na 6 na talampakan, sa naturang ding lugar .

Samantala, ipinapatupad ngayon ng lokal na pamahalaan at ng City Veterinary Office ang mga kaukulang hakbang para mapigilan ang lalo pang pagkalat ng virus.

Isa na dito ang isinasagawang disinfection at mahigpit na checkpoint sa lahat ng mga sasakyan na lalabas at papasok sa nasabing lugar.