Prof. Guido David UP DOH
-- Advertisements --

Inirekomenda ngayon ng OCTA Research group sa national government na bigyang prayoridad ang vaccination rollout ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research Group ang NCR kasi ang ikinokonsidera ngayong sentro ng pandemic na nakakaapekto sa sitwasyon sa buong bansa.

Aniya, hindi raw lalaganap ang covid sa Metro Manila kapag mababakunahan ang nasa pito hanggang sa walong milyong mga residente.

Mas maigi rin umanong mabakunahan din ang mga residenteng nasa paligid ng NCR gaya ng Calabarzon at Central Luzon na marami ring kaso ng nakamamatay na virus.

Dagdag ni David, matatagalan daw ang Pilipinas na maabot ang herd immunity sa target nilang 70 percent ang mga mababakunahan sa kabuuang populasyon ng bansa o nasa 70 million na katao

-- Advertisement --

Una rito, sinabi ng OCTA na posibleng aabot sa 11,000 covid case ang maitatala sa Metro Manila pagsabit ng katapusan ng buwan ng Marso.