Reading Time: 1 minute
UN SecGen Antonio Gutteres
UN SecGen Gutteres/ Twitter Image

Nanawagan ng independent investigation ang si United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa nangyaring Gulf tanker attacks.

Kasunod ito ng pagbibintang ng US na kagagawan ng Iran ang nasabing insidente.

Handa rin itong mamamagitan para maibsan ang tension sa pagitan ng Iran at US.

Dagdag pa nito, mahalaga na ang paglabas ng katotohanan sa nangyaring insidente.

“Facts must be established, and responsibilities clarified. If there is something the world cannot afford, it is a major confrontation in the Gulf region,” ani Guterres.

Magugunitang sumabog ang dalawang oil tanker habang ito ay nasa Gulf of Oman na ang pinagbibintangan ng US ay Iran.

oil tanker Courageous
Front Altair oil tanker in the Gulf of Oman (photo released by Iranian media)