Ipinag-utos na ni PNP Chief Oscar Albayalde sa PNP Oversight Committee ang pag review sa promotion ng ilang mga opisyal.

Ito’y matapos may kumukwestiyon sa promotion sa ilang mga opisyal na umano’y mga bata pa at ang iba ay hindi pa karapat-dapat.

Hindi naman masabi ni Albayalde kung qualified ang mga opisyal na inirereklamo na na-promote.

Kumakalat kasi ang isang text messages na kumukwestiyon sa rekomendasyon na i-promote bilang one star general si Police Senior Supt. Glen Dumlao na miyembro ng Philippine National Police Academy (PNPA) Class 1988 at kasalukuyang hepe ng PNP-Anti Kidnapping Group (AKG).

Si Dumlao daw kasi ay wala pang dalawang taon bilang Senior Superintendent.

Ang pagtatalaga kay Police Senior Supt. Filmor Escobal sa Police Security Protection Group (PSPG) na ang posisyon ay pang-one star general subalit siya ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1991 at si Police Senior Supt. Alden Delvo na miyembro ng PNPA Class of 1995 ang itinalagang police attache sa United States (US).

“I think ipupwesto pa lang yan. Hindi pa nakapwesto and we will review that and look on that. Hindi ko alam ang anonila kasi I was not here. Hindi ko alam kung yung length kung qualified na sila or hindi. Sabi ko nga we will review and I will ask the DCO to review it also,” pahayag ni Albayalde.