Patay ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos umanong manlaban ito sa mga pulis,Sabado ng gabi sa Caloocan City.

Ayon kay PSupt. Annie Mangelen, deputy chief for police operations ng Caloocan City,nangyari ang enkwentro nang manlaban umano ang suspek.

Nakilala ang suspek na si alyas Bai

Si alyas Bai ay siyang target ng buy-bust operation sa Phase 6, Barangay 178, Camarin, North Caloocan bandang alas-11:00 kagabi.

Pahayag ni Mangelen na nakatunog umano ang suspek na mga pulis ang kanyang ka-transaksyon.

Bago pa man makatama ng pulis ang suspek, agad na siyang pinaputukan ng mga operatiba.

Matagal na umanong sinusubaybayan ng mga pulis ang suspek na nasa ilalim din umano ng drug watch list.

Narekober sa insidente ang isang kalibre .38 revolver at dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu.