ROXAS CITY – Talk of the town ang naging post ng isang netizen sa social media site na Facebook, matapos nakita ang ulo ng umano’y bastos na board member na inilagay sa nag-aalburutong bulkang Taal.

Makikita sa larawan na ipinost ni Facebook user Androus Josephus na sobrang galit ito kay Board Member Eleuper ‘’Bulilit’’ Martinez, dahil mismong sa gitna ng crater ng nag-aapoy na bulkan niya inilagay ang na-edit na ulo ng opisyal.

May mensahe rin na nagbantaan at naghamunan ang dalawa sa Facebook na kumuha ng atensiyon sa mga netizen.

Marami ang nadismaya dahil sa umano’y bastos na mensahe na binitiwan ng board member sa nakaaway na netizen.

Kaagad namang dumipensa si Board member Martinez at nagpaliwanag sa Bombo Radyo na kaya lamang ito nakapagbitiw ng hindi magandang salita dahil below the belt at personal na ang paninira sa kanya ng netizen at inilarawan ito sa hindi magandang salita habang binabastos na ang kanyang pagkatao.

-- Advertisement --

Gayunman ay humingi ito ng patawad sa pamilya ng nasabing netizen kung napasama sila sa binitiwang salita.