Inamin na ng general staff ng Iran armed forces na hindi nila sinasadyang pabagsakin ang Ukrainian passenger jet na may lulan na 176 katao.

Sinabi nito na “human error” lamang ang nagawa nila dahil lumipad daw ang eroplano malapit sa sensitibong site na pagmamay-ari ng Iran’s Revolutionary Guards.

Sinigurado naman nito na mananagot ang kung sino mang may sala sa insidente.

Una nang itinanggi ng Iran ang mga alegasyon na isa sa kanilang missiles ang nagpabagsak sa sasakyang panghimpapawid sa Tehran noong Miyerkules.

Nangyari ang pagbagsak ng flight PS752 ilang oras lamang matapos magpakawala ng Iran ng missile strikes sa dalawang airbases housing forces sa Iraq.

-- Advertisement --