Sa kabila ng kanya-kanyang teorya ng mga Western powers, nanindigan ng Iran aviation body na talagang umapoy muna ang Ukrainian Airlines flight PS 752 bago tuluyang bumagsak.

Sa press conference ng nasabing aviation body ng Iran na silang nangunguna sa imbestigasyon, malabo ang mga akusasyon na tinamaan ng missile ang Ukrainian Boeing jet dahil dapat ay mayroon mga nagkalat na debris sa pinangyarihan ng trahedya.

Sa ngayon ayon sa Civil Aviation Organization chief na si Ali Abedzadeh, welcome pa rin ang pagtungo pa ng mas maraming Ukrainian experts sa kanila upang ayusin ang napinsalang black box o ang digital flight data recorder na narekober sa bumagsak na Boeing jet.

“I assure you that the craft was not hit by a missile as falsely reported,” bahagi ng pahayag ni Abedzadeh sa pamamagitan ng translator.

-- Advertisement --

Una nang naiulat na kabilang sa mga namatay ang 82 Iranians, 63 Canadian, 11 Ukrainians, 10 Swedish national, apat na Afghans, tatlong Germans at tatlong British nationals, at 15 rito ang bata.

Kumalat ang ispekulasyon na may koneksyon ang insidente sa sigalot na nagaganap sa pagitan ng Estados Unidos at Iran. (Al Jazeera / arabnews photo)