Nagbabala ang mga siyentipiko tungkol sa pag-mutate muli ng UK variant ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Batay sa ulat, nakita ng mga eksperto na nagkaroon ng panibagong genetic changes sa nasabing COVID-19 variant.

-- Advertisement --

Sa pinakahuling mga test, natuklasan ng mga scientists ang mutation na tinawag na E484K.

Ang naturang mutation ay nakita na rin daw sa South Africa at Brazil variants ng COVID-19 virus.

Bagama’t posible umanong makaapekto ang mutation sa pagiging mabisa ng bakuna, tatalab pa rin naman daw ang mga COVID-19 vaccines na kasalukuyan nang ginagamit.

Kakaunti lamang din umano ang mga kaso ng UK variant na may E484K mutation ang nadiskubre ng mga eksperto.

Hindi rin daw nito ibig sabihin na makikita ang nabanggit na mutation sa lahat ng bersyon ng UK variant. (BBC)