Nakatakdang baguhin ng United Kingdom ang pinapatupad nilang 2 meter social distancing rule.

Mismong si British Prime Minister Boris Johnson ang nag-commission ng grupo para sa pag-aaral ng 2m rules.

Ang nasabing hakbang ay dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng nadadapuan ng coronavirus sa nasabing bansa.

Sinabi ni UK Chancellor Rishi Sunak, na isang paraan ito bilang paghahanda sa pagbabalik operasyon ng mga pubs at restaurants sa England.