LONDON – Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki makaraang batuhin nito ng itlog si British opposition Labor leader Jeremy Corbyn habang bumibisita ito sa hilagang bahagi ng London.

Ayon sa isang source, hindi naman umano nasaktan si Corbyn na dumalaw sa isang moske at Muslim welfare center nitong Linggo.

Sa pahayag naman ng Metropolitan Police, nsa kustodiya na raw ng mga kinauukulan ang 41-anyos na suspek.

“A 41-year-old man was quickly detained by officers on scene and arrested on suspicion of assault. He is currently in custody at a north London police station,” pahayag ng Metropolitan Police.

Batay naman sa British media, isang pro-Brexit campaigner ang nadakip na lalaki. (Reuters)