Arianny Celeste
Arianny Celeste

Ibinunyag ng UFC Octagon girl na si Arianny Celeste na ito ay buntis.

Sinabi ng 34-anyos na si Celeste, inaasahan na nila ng kasintahang si Taylor King ang unang anak nila sa buwan ng Setyembre.

Dahil dito, hindi muna ito magtatrabaho sa UFC hanggang siya ay tuluyang makapagsilang na.

Mula pa noong 2006 ay naging Octagon girl na ito at nakilala rin bilang model ng Playboy at Sports Illustrated.