UNIGAMES
UNIGAMES

Add New

ILOILO CITY – Sanib pwersa ang mga Ilonggo Most Valuable basketball player sa nagpapatuloy na University Games 2019 na ginaganap sa Lungsod ng Iloilo.

Ito ay sina Shane Joseph Dischoso, 19, ng Monica-Blumentritt, Iloilo City, 1st year BS in Office Administration, Sean Francis Sajo, 21, ng Monica-Blumentritt, Iloilo City, 3rd year BS in Office Administration at Kaj Artton Pillo, 19, ng Oton Iloilo, 1st year BS in Tourism Administration, pawang basketball players ng Colegio de Sta. Ana de Victorias.

Si Dischoso ay nakalaro na sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP), si Sajo ang nakapaglaro naman sa Private School Athletic Association (PRISAA), habang si Pillo naman ay nakapaglaro na sa Palarong Pambansa.

Nakaharap ng mga ito ang De La Salle Dasmariñas kung saan nanalo ang Colegio de Sta. Ana de Victorias sa score na 93-84.

Sa ngayon hawak ng Colegio de Sta. Ana de Victorias ang top spot sa basketball men sa nagpapatuloy na University Games 2019.