Labis ang pasasalamat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa naging desisyon ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na buksan ang ilang U-turn slots sa naturang lungsod.

Ayon sa alkalde, bukod sa mga motorista ay makikinabang din dito ang mga pasyente at bisitang pumupunta sa Quezon City General Hospital.

Muling binuksan ng MMDA ang mga U-turn slots dahil na rin sa kabi-kabilang reklamo ng mga motoristang naiipit sa trapik sa EDSA.

Gayundin ang naging apela ng Quezon City Hall sa naturang ahensya.

Isinara ng MMDA ang U-turn slot sa Quezon City Academy noong Oktubre at ang U-turn slot malapit sa Darrio bridge nitong Nobyembre upang bigyang-daan ang tuloy-tuloy na byahe ng mga bus sa EDSA Busway.

Ngunit nagdulot ng matinding trapik sa EDSA at katabing mga lansangan ang pagsasara ng mga U-turn slots sa highway dahil walang malusutan ang mga motorista.