Pabalik na sa U.S. ang mga Americans na na-quarantine ng dalawang linggo sa Japan.

Sinundo ng mga US Officials ang mga kababayan nila na lulan ng Diamond Princess matapos na magnegatibo ang mga ito sa coronavirus.

Magugunitang noong Pebrero 3 ng ma-quarantine ang mga ito sa karagatan ng Japan.

Inaasahan naman na susunod din ang Canada, Italy, South Korea at Hong Kong na sunduin ang kanilang kababayan na pasahero ng nasabing cruise ship.

Magugunitang umabot na sa 355 na pasahero ng nasabing cruise ship ang nagpositibo sa coronavirus.