Pinayuhan ng US government ang kanilang mga kababayan na agad nang lisanin ang Iraq matapos ang ginawa nilang airstrike na ikinasawi ng pangunahing military commander ng Iran na si Qasem Soleimani.

Ayon sa US State Department, huwag na munang lumapit sa embassy sa Baghdad dahil suspendido ang kanilang consular operations.

Naka-lock down kasi ng Iraqi security forces ang Green Zone sa Baghdad kung saan nandoon ang US Embassy.

Inaasahan kasi ng US na ang pagkapatay nila kay Soleimani ay magdudulot ng tension sa nasabing rehiyon at posibleng pagganti pa ng Iran.