Arestado ang isang 49-anyos na American national na sinubukuang pumasok sa bansa gamit ang pekeng Philippine passport.

Si Elmer Doller ay agad na inaresto pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 mula sa Doha.

Sinabi ni Grifton Medina, Bureau of Immigration port operations division chief, napukaw ang atensiyon nila sa passport ni Doller dahil walang anumang security features ito at hindi rin ito ma-scan ng kanilang passport reader.

Sa una ay itinaggi ni Doller ang kaso at sinabing ang ina nito ay Filipina subalit kinalaunan ay inamin niyang nabili ang passport sa kaibigan niyang taga-Cavite.