Hong Kong protest
Hong Kong protests

Nanawagan si US President Donald sa mga mamamayan , protesters at kapulisan sa Hong Kong na manatiling kalmado, ligtas at mapayapa.

Kasunod ito ng kilos protesta sa Hong Kong International Airport.

Ayon kay Trump na dapat respetuhin ng mga otoridad ang freedom of expression na isinasagawa ng mga protester.

Nais lamang aniya ng mga protesters ng demokrasya.

Muling inulit ng pangulo na hindi ito nakikialam sa kaguluhan sa Hong Kong gaya ng inaakusa sa kanila ng China.

Sa pangalawang araw na pagsasagawa ng kilos protesta sa Hong Kong International Airport ay nagkasagupa ang mga kapulisan ang mga protesters na nagbunsod sa pagkansela ng maraming mga flights.