Reading Time: 1 minute
Patrick Shanahan
Acting Defence Sec. Shanahan

Nagbitiw sa kaniyang puwesto si acting Defense Secretary Patrick Shanahan.

Kasunod ito sa paglabas sa ulat ng Washington Post sa pamamalo ng anak sa kaniyang ina gamit ang baseball bat.

Sinabi ni US President Donald, na naging maganda ang ipinakita nitong trabaho at hindi na nito itutuloy ang confirmation sa puwesto.

Papalit sa puwesto nito si Secretary of the Army Mark Esper.

Noong Mayo 9 ay inanunsiyo ng US President na balak nitong gawing permanent si Shanahan sa kaniyang puwesto.