tyson jones
Tyson vs Jones

Tiniyak ni dating heavyweight boxing champion Mike Tyson na kaya niyang patumbahin si Roy Jones Jr.

Nakatakda kasing magharap ang dalawa sa iasng walong round na exhibition fight sa darating na Setyembre 12 sa California.

Ayon sa 54-anyos na si Tyson, nais niyang patunayan na malakas pa rin ang kaniyang suntok at patutumbahin ang 51-anyos na si Jones.

Dagdag pa nito na kapag may tsansa ay kaniyang gagawin ang lahat para mapatumba si Jones.

Huling lumaban si Tyson noong 2005 ng talunin siya ni Kevin McBride sa loob ng 6th round.