Reading Time: 1 minute
Minah twice
TWICE’s Mina

Trending ngayon sa social media ang hashtag na #GetWellSoonMina matapos kumpirmahin ng JYP Entertainment na hindi muna makakasama si Mina Sharon Myoi o mas kilala bilang Mina sa world tour ng kaniyang girl group.

Si Mina ay miyembro ng sikat na South Korean girl group na TWICE.

Sa inilabas na pahayag ng nasabing kumpanya, mental health issue umano ang dahilan kung bakit pansamantala munang hindi makakasama si Mina sa world tour ng kaniyang grupo.

“Mina is currently struggling with sudden extreme anxiety and insecurity toward performing on stage,” ani ng kumpanya.

Dagdag pa nito, kasalukuyang bumibisita ang 22-years old kpop idol sa mga medical professionals upang malamang ang puno’t dulo ng kaniyang kalagayan.

“After extensive discussion with Mina and members of Twice, we have decided that Mina’s current condition requires additional treatment, professional measures, and sufficient resting,”

Binubuo ang grupong TWICE nina Mina, Sana, Tzuyu, Momo, Nayeon, Jihyo, Dahyun, Jeongyeon at Chaeyoung.

Sila rin ang nagpasikat sa mga kantang “What is Love?”, “Heart Shaker”, at “Cheer Up”.