Denizli City Turkey
Denizli City Turkey

Niyanig ng magnitude 5.7 na lindol ang southwester Denizli City sa Turkey.

Ayon sa Kandili observatory, naramdaman ang lindol sa may 6 kilometers.

Naitala naman ng US Geological Survey ang lakas ng lindol na aabot sa 5.8 magnitude.

Ayon naman kay Osman Zolan ang City mayor ng Denizli na walang anumang nasugatan sa nasabing pagyanig.

Nakapagtala naman ng Disaster and Emergency Management Authority (AFAD) ng Turkey ng 23 katao sa tatlong probinsiya na malapit sa epicenter ang itinakbo sa pagamutan dahil sa pagkahilo.