Kim Chiu van

Tila “nabunutuan ng tinik” si Kim Chiu kasabay ng rebelasyon na nakipag-ugnayan daw ang umano’y totoong target sa kinasangkutan niyang ambush, tatlong linggo na ang nakakaraan.

Sa kanyang “vlog” kamakailan, ibinunyag ng 29-year-old actress na nag-text daw sa isa sa kanyang boss ang naturang “target person” at humingi ng paumanhin.

Pintitiyak din daw nito na hindi para sa kanya ang mga balang pinakawalan sa kanyang kulay itim na van.

“Biglang nag-text sa akin ‘yung isa sa mga boss
namin na nag-message daw ‘yung dapat na para sa
kanya ‘yung bala na pakisabi raw sa akin na
pasensya na, pakisabi raw sa akin na huwag raw ako
mag-alala dahil hindi raw para sa akin ang bala.
Para akong nabunutan ng tinik para akong nabuhusan
ng malamig na tubig,”
saad ni Chiu.

Dagdag pa ng Chinese-Filipina actress na tubong Cebu, na hindi niya alam ang mararamdaman lalo na sa tuwing maiisip na paano kung siya ay “natuluyan.”

Samantala, hindi na papatulan ni Chiu ang ilang kritiko nito na nagsasabing “fake ambush” lang ang nangyari para sa publicity.

Giit ni Kim, hindi niya ilalagay sa panganib ang mga taong nag-aalaga sa kanya at laking pasasalamat pa rin nito na ligtas sila ng kanyang driver at assistant.