Reading Time: 1 minute
Sugbahan GenSan

GENERAL SANTOS CITY – Mistulang naging piyesta ang downtown area matapos na dinagsa ng daan-daang katao ang “Sugbahan sa Dalan” sa Pioneer Avenue sa lungsod.

Isa ito sa highlight ng Tuna Festival sa GenSan na magtatapos nitong araw.

Pinilahan ng mga residenteng gustong mag-bring home ng ulam ang higit 1,000 isdang inihaw na ipinamahagi sa lahat.

Ipinatikim din sa mga residente, mga bisita at turista mula pa sa Japan, Thailand, New Jersey, USA at mga taga-Pampanga ang 36 kilos na tuna litson.

Maliban sa mga isda, may inihaw din na mga sea foods sa “Sugbahan sa Dalan.”

Naglaho rin na parang bola ang sashimi na libreng ibinigay sa publiko.