ILOILO CITY – Nagpapasalamat si Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr. sa lahat ng mga nagpaabot ng tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Ursula sa Northern Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Defensor, sinabi nito na nagtutulungan ang Iloilo provincial government at ang pribadong sektor upang mabigyan ng tulong ang mga biktima ng bagyo.

Ayon kay Defensor, naipamigay na ang unang batch ng relief goods kung saan maliban sa Iloilo provincial government, tumutulong na rin sa pangangalap ng donasyon ang Simbahang Katolika at mga non-government organization.

Sa ngayon ayon kay Defensor, patuloy pa ang assessment upang malaman ang kabuuang halaga ng pinsala sa imprastraktura at agrikultura.

Personal na binisita ni Sen. Christopher “Bong” Go ang Northern Iloilo at nagpaabot ng tulong.