Umabot na sa P800,000 ang nalikom ng mga PBA players at coaches bilang tulong sa mga non-regular empleyado ng liga na naapektuhan sa kanselasyon ng mga laro dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Sinimulan ni Alaska Aces coach Jeffrey Cariaso ang kampanya noong March 18 kung saan nagsimula sa P100,000.

Matapos ang 10 araw ay nasa P800-K na ang nasabing halaga.

Mayrong 42 mahigit na manlalaro at officials ang nagtulong-tulong para sa 28 PBA game-day personnel na hindi makakatanggap ng kanilang buwanang sahod.