-- Advertisements --

Tiniyak ni Chinese Pres. Xi Jinping ang kahandaan ng China na tulungan ang Pilipinas sa paglaban nito sa pagkalat ng COVID-19.

Ginawa ni Xi ang pahayag sa kanilang telephone conversation kagabi ni Pangulong Rodrigo Duterte, bisperas sa selebarasyon sa ika-22 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas ngayong araw.

Inihayag ng Embahada ng China sa Manila na magkasamang nilalabanan ng dalawang bansa ang COVID-19 pandemic bilang magkapatid sa pagkakaibigan.

Sa nasabing pag-uusap, sinabihan umano ni Xi si Pangulong Duterte na sa iallim ng kanyang liderato, nagpatupad ang Pilipinas ng malakas na prevention at control measures na umani ng positibong resulta.

Kaugnay nito, handa umano ang China na magbigya ng kaukulang suporta sa Pilipinas depende sa pangangailangan sa paglaban sa COVID-19.

-- Advertisement --

Sa kanyang panig, sinabi naman umano ni Pangulong Duterte na ngayong 2020 ginugunita ang 45th anniversary ng pagkakatatag ng diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at China.

Dito rin ay inihayag ni Pangulong Duterte na sa matatag na lideratopr ni Xi, hindi lamang matagumpay na nakontrol ng China ang pandemic kundi naging bukas din ito sa pagbibigay tulong sa mga partners gaya ng Pilipinas.

Kinilala umano ni Pangulong Duterte ang naging anunsyo ni Xi na ang bakuna ng China ay magiging global public product sa oras na makompleto ang research and development at maaari na itong magamit.

Kasabay nito, muling tiniyak ni Pangulong Duterte na ang Pilipinas ay mananatiling kaibigan ng mga Chinese at hindi papayagan ang sino man na gagamitin ang Pilipinas sa mgha anti-China activities.