TUGUEGARAO CITY- Impassable sa lahat ng uri ng sasakyan ang Pinacanauan overflow bridge sa lungsod ng Tuguegarao matapos na tumaas ang lebel ng tubig bunsod ng pag-ulan kahapon.

Sinabi ni Choleng Sap, head ng CDRRMO, bukod sa nasabing tulay, hanggang tuhod na rin ang lebel ng tubig sa bahagi ng kalsada sa intersection ng Capatan papuntang Brgy. Caggay maging ang bahagi ng Pinacanauan Nat Tuguegarao Avenue.

Ayon pa kay Sap, 6.6 meters na ang water level sa Buntun bridge na malapit na sa critical level.

Dahil dito, patuloy ang monitoring ng mga otoridad sa posibleng pagtaas pa ng ilog para sa preemptive evacuation kung kinakailangan.