-- ADVERTISEMENT --

Pinangalanan ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang Tuguegarao City bilang ‘Most Business-Friendly Local Government Unit (LGU)’ ngayong 2021.

Sa ika-47 na Philippine Business Conference and Expo ng PCCI, nasungkit ng Tuguegarao City ang nasabing parangal sa ilalim ng Level 3 Category.

Nakitaan ng PCCI ang Tuguegarao City mula sa mga LGUs sa buong bansa na matagumpay pa rin nitong naibabalik at napapataas pa ang operasyon ng mga negosyo sa pamamagitan ng mga ginagawang aksyon at hakbang sa matinding hamon na dulot ng COVID-19 pandemic.

Layunin ng nasabing pagpaparangal na maipakita at maibahagi ng bawat LGU ang kanilang mga napagtagumpayan at mga ‘best practices’ sa kasagsagan ng krisis na dulot ng pandemya.