Tugeugarao City- Pansamantalang isinara ang Tuguegarao City Commercial Center matapos na makapagtala ng limang kataong nagpositibo sa COVID-19 sa lugar.

Sa panayam kay Pedro Cuntapay, Market Administrator, ito ay upang bigyang daan ang pagsasagawa ng disinfection at sanitation bilang pag-iingat sa banta ng virus.

Aniya, umaabot sa mahigit 600 mga stall owners at vendors ang pumayag na magsara dahil sa pangamba sa pagkalat ng sakit.

Nagsasagawa na rin aniya sila ng contact tracing sa kahat ng posibleng nakasalamuha ng mga nagpositibo sa sakit.

Tatagal ang pansamantalang pagsasara ng Tuguegarao City Commercial Center hanggang bukas ng hantinggabi.