-- ADVERTISEMENT --
TUGU

Nakunan ng CCTV camera ang suspek na bumaril at nakapatay sa isang empleyado ng LGU sa Bassig St. Ugac Norte, Tuguegarao City, kagabi.

Kinilala ang biktima na si Genaro Matammu, 57-anyos, empleyado ng slaughter haouse ng LGU-Tuguegarao at residente ng Arellano Ext, Tuguegarao City.

Sa imbestigasyon ng PNP Tuguegarao, dakong alas 8:20 kagabi, habang nakaupo at nakikipag-usap ang biktima sa kanyang pinsan sa isang tindahan ng karne ay bigla na lamang siyang nilapitan at pinagbabaril ng apat hanggang limang beses sa ibat ibang bahagi ng katawan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Sa footage ay makikita ang pagdating at pagbaba sa motorsiklo ng isang lalaki na nakasuot ng helmet, inilabas ang baril, lumapit sa nakatalikod na biktima at pinaputukan.

Agad na binawian ng buhay ang biktima dahil sa mga tinamong tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan.

-- ADVERTISEMENT --

Kaagad namang tumakas ang suspek patungong timog direksyon ng Bassig Street, Brgy Ugac Sur sakay ng kulay itim na motorsiklo na walang plaka.

Kasunod nito ay agad ipinag utos ni Tuguegarao City Chief of Police, PLTCOL Edith Narag ang pagsasagawa ng manhunt operation sa suspek habang patuloy na iniimbestigahan ang motibo at kung sino ang responsable sa pamamaslang.