-- ADVERTISEMENT --

TUGUEGARAO CITY- Ikinagulat umano ng mga gobernador, ilang cabinet secretaries at iba pa na kasama sa pulong kagabi sa malakanyang kasama si Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ni Senator Bong Go na magwi-withdraw siya sa kanyang pagtakbo sa pagkapangulo.

Sinabi ni Mamba na ang inakala nila ay ipinatawg sila sa pulong para ipakilala at hingin ang kanilang suporta sa kandidatura ni Go ngunit iba ang inihayag ng senador.

Ayon kay Mamba, sinabi ni Go malungkot man ang kanyang desisyon ay kailangan niyang gawin ito upang hindi magkaroon ng pagwatakwatak ng kanilang partido sa halip ay magkaroon ng pagkakaisa para sa iisang hangarin para sa bansa.

Idinagdag pa ni Mamba na ang desisyon ni Go ay para hindi mahirapan ang Pangulong Duterte dahil sa pagtakbo ng kanyang anak na si Mayor Sara Duterte.

Sinabi pa ni Mamba na inihayag ng pangulo na bagamat suportado niya si Go sa kanyang kandidatura ay wala siyang magagawa sa kanyang naging desisyon.

Dahil dito, sinabi niya na wala na silang iindorso na kandidato at tutulong na lamang sila sa mga kandidato na hihingin ang kanilang tulong.

-- ADVERTISEMENT --