-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa 20 minuto ang palitan ng putok sa nangyaring engkwentro sa pagitan ng Militar at miyembro ng mga New Peoples Army sa bahagi ng Brgy. Masi, Rizal, Cagayan.

Ayon kay CAPT Cesar Ballado, tagapagsalita ng 17th Infantry Battalion, nagpang-abot ang mga nagpapatrolyang militar at ang 15 miyembro ng NPA habang nagkakape sa isang bahay sa mabundok na bahagi ng barangay.

Nakuha din aniya sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang AK47 na baril at ang M16 hand guard na pag-aari ng mga tumakas na rebelde.

Wala namang sibilyan na nadamay sa naturang insidente at wala ring nasugatan sa panig ng militar.

Samantala, bukas Nobyembre 26 ay ipiprisinta naman ang 17 iba pang miyembro ng NPA na una ng nagboluntaryong sumuko sa pamahalaan.

Sinabi ni Ballado na sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga sumuko ay natukoy ang lugar kung saan kumikilos ang 15 miyembro na nakasagupa ng militar sa naturang barangay.

-- ADVERTISEMENT --