photo credit: TMU-TABUK CITY

TUGUEGARAO CITY-Sugatan ang isang pulis matapos mahulog sa bangin ang sinasakyang kotse sa Tabuk City, Kalinga.

Ayon kay P/col Davy Vicente Limmong, Director ng Kalinga-PNP, papunta sana Mountain Province ang pulis na si Patrolman Joderick Lasegan na nakadestino sa Police regional office no.2 para sunduin ang kanyang kapwa pulis ng mangyari ang aksidente.

Aniya, inamin umano mismo ng pulis na siya’y nakaidlip habang nagmamaneho na sanhi ng kanyang pagkakahulog sa bangin na may lalim na 30 meters.

Nagawa namang makagapang papunta sa gilid ng kalsada ang pulis sa kabila ng mga tinamong sugat sa katawan kung kaya’t siya’y nakahingi ng tulong.

Sa ngayon, kasalukuyan ng nagpapagaling si Lasegan sa pagamutan.