photo credit: Brgy. Cataggaman Pardo

TUGUEGARAO CITY-Mamimigay ng 11 computer set at 3 monitor ang Barangay Chairman ng Brgy. Cataggaman Pardo, Tuguegarao City sa mga mag-aaral sa kanilang lugar.

Ayon kay Villamor Ataban, Brgy. Chairman ng Brgy. Cataggaman Pardo, galing mismo sa kanilang pamilya ang ipamimigay na computer.

Aniya, dahil sa epekto ng covid-19 pandemic ay nagsara ang kanilang computer shop kung kaya’t kanilang naisipang ipamigay na lamang ang mga computer sa halip na masira.

Tiniyak naman ni Ataban na indigent but deserving ang makakatanggap ng mga naturang computer.

Ilan sa kanilang hiniling na requirements sa mga benipisaryo ay ang Certificate of Indigency, grado ng estudyante at magsasagawa rin sila ng background check.

Nakatakdang ipapamahagi ang mga computer sa Pebrero 4,2021.