TUGUEGARAO CITY-Binigyan ng pagkilala ng pamahalaang panlalawigan ng Apayao ang kanilang kababayan na nagtapos bilang Top 3 sa Philippine National Police Academy.

Nagsagawa ng motorcade sa bayan ng Flora, Apayao kung saan tubo si Lt. James De Guzman.

Kaugnay nito, sinabi ni De Guzman na nagpapasalamat siya sa pamahalaang lokal ng Flora dahil sa ibinigay sa kanya na pagkilala.

Sinabi niya na nakamit niya ang kanyang pangarap sa pamamagitan ng pagpupursige sa kabila ng kahirapan sa buhay.

Pinayuhan din niya ang mga kabataan na huwag mawalan ng pag-asa at sikapin na abutin ang kanilang mga pangarap.

Pagmamalaki naman ni Flora Mayor Rodolfo Juan sa tagumpay ni De Guzman.

Ayon sa kanya, isang halimbawa si De Guzman na ano mang pangarap ay maabot sa pamamagitan ng pagpupursige.

Si De Guzman ay nagtapos na validictorian sa elementarya at nag-aral ng kolehiyo sa Sanchez Mira, Cagayan bago pumasok sa PNPA .

Ang kanyang ama ay retired police habang ang kanyang ina ay walang trabaho.