
TUGUEGARAO CITY-Nag-alok ng pabuya na P50, 000 si Mayor Maila Ting Que ng Tuguegarao City sa makakapagbigay ng impormasyon sa suspect sa pagpatay kay Jasmin Grace Casale, 21 anyos ng ng Atulayan Sur.
Sa social media post ni Mayor Que, sinabi niya na mapapangalagaan ang pagkakakilanlan ng magbibigay ng impormasyon sa ikakalutas ng kaso.
Maari aniyang tumawag sa Tuguegarao City Police Station sa numerong 0905-800-5118 o maaaring magpadala ng mensahe sa alkalde.
Si Mayor Que ay nasa China kasama ang delegasyon ni Governor Manuel Mamba.
Samantala, naglabas din ng saloobin si Acting Mayor Bienvenido De Guzman sa sinapit ni Casale.
Sinabi niya na wala raw puwang sa lipunan at hindi katangggap-tanggap ang naturang karumal dumal na krimen.
Sa ngayon, nakatutok din si De Duzman sa resulta ng ginagawang imbestigasyon ng pulisya kung ano ang sanhi ng pagkamatay at kung ginahasa ang biktima.
Matatandaan na nakita ang naaagnas na bangkay ng biktima sa isang bakanteng lote sa Barangay Annafunan East.