-- ADVERTISEMENT --

Tumagal ng limang minuto ang engkwentro sa pagitan ng 77th Infantry Battalion at mga miyembro ng New

Peoples Army sa Sitio Salong, Barangay Tanglagan, Gattaran, Cagayan.

Nabatid na habang nagpapatrolya ang kasundaluhan sa lugat ay bigla nalamang silang pinaputukan ng

limang kasapi ng Komiteng Probinsya Cagayan, Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley.

Kaugnay nito ay mabilis ding tumakas ang mga rebelde at nakita sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang
carbine at dalawang springfield rifle (7.62mm) na pagmamay-ari ng mga tumakas na rebelde.

Wala namang nasugatan sa panig ng militar habang wala ring nadamay na mga sibilyan.

-- ADVERTISEMENT --