photo credit: PNP Cagayan

TUGUEGARAO CITY-Huli ang Municipal Civil Engineer ng Local Government Unit ng Pamplona dahil sa kasong paglabag ng PD 705 o anti-illegal logging sa nasabing bayan.

Nagpapatrolya ang kapulisan nang makita ang mga pinutol na kahoy sa gilid ng ilog sa bahagi ng Brgy. Abbangkeruan.

Habang iniinspekyon ang mga nakitang tinitis na kahoy, dumating ang suspek na si Felicimo Bilas, 52-anyos, Municipal Civil Engineer ng LGU Pamplona at residente ng Brgy. Allasitan na umamin na sakanya ang mga nilagareng kahoy.

Nabigo naman ang suspek na magpakita ng mga kaukulang dokumento kung kayat dinakip siya ng mga otoridad.

Tinatayang nasa isang libong board feet ng “tanguile” ang nakuhang kahoy na ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP-Pamplona.