Tuguegarao City- Nadiskubre ng mga otoridad ang saku-sakong pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng mahigit P7M sa bayan ng Rizal Kalinga.

Sa panayam kay PCAPT. George Acob, hepe ng PNP Rizal, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa transportasyon ng marijuana mula Brgy. Agbanawag, Tabuk City patungong Tuguegarao City kaya’t pinaigting ang mga checkpoint na nakalatag sa lugar.

Kinalaunan ay nakatanggap sila ng tawag mula sa isang informant na may nakitang nakasilid na tatlong sako sa isang konkretong sewer tunnel o imburnal sa Sitio Anonang Liwan,Rizal.

Nang beripikahin ng mga otoridad ay nakita ang 24 na tubular at 53 bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana sa loob ng mga sako.

Sinabi ni Acob na maaaring natunugan ng mga suspek ang operasyon ng pulisya kaya’t iniwan ang nasabing mga marijuana sa lugar.

tinig ni Acob