Photo Credit to the owner

Tuguegarao City- Handang magbigay ng pagpapaliwanag si Baggao Municipal Mayor Joanne Dunuan sa reklamo kaugnay sa pagpapasok ng mga turista sa kanilang bayan.

Ito ay matapos ang reklamong pinahintulutan nitong pumasok ang grupo ni Mayor Jeff Vargas upang mamasyal sa isang tourist spot sa kanilang bayan.

Sa panayam kay Mayor Dunuan, may pahintulot na umano ang provincial government sa pagpapapasok ng mga local tourist basta’t tiyakin lamang ang mga health and safety protocols laban sa COVID-19.

Aniya, hindi nagsagawa ng caving at swimming ang grupo ng mga indibidwal na nahuli ng PNP Baggao matapos ipagbigay alam ang pamamasyal ng mga ito sa blue water cave.

Sinabi ni Mayor Dunuan na namasyal ang mga turista na kasamahan ni Mayor Jeff Vargas upang magsagawa lamang ng biking at pagkatapos nito ay nagsi-uwian na sila.

Dahil dito ay tinawag ng alkalde na “politically motivated” ang nagsumbong na hindi naman alam ang mga ibinababang paabiso mula sa nakakataas na tanggapan.