TUGUEGARAO CITY- Umabot sa mahigit P60M ang halaga ng mga marijuana ang binunot at sinunog ng mga otoridad mula sa 15 plantation sites sa Loccong, Tinglayan, Kalinga.

Sa unang operasyon ng mga otoridad ay umabot sa 87, 950 pcs ng mga fully grown marijuana ang sinira

mula sa 8,100 sqm na taniman at ito ay nagkakahalaga ng Php 20,230,000.

Sunod na sinira ng mga otoridad ang nasa 203,500 na fully grown marijuana mula sa 19,300 sqm na taniman

at ito ay nagkakahalaga naman ng P40,700,000.00.

Subalit sa lahat ng operasyon ng mga otoridad sa marijuana eradication, wala pang nahuhuling cultivator.