Photo credit:PNP-Kalinga

TUGUEGARAO CITY- Kulong ang isang estudyante matapos na mabisto sa kanyang bag ang 35 bricks ng marijuana na may timbang na 36.6 kilograms na nagkakahalaga ng mahigit P4.3M.

Sinabi ni PCOL. Davy Vicente Limmong, Director ng PNP Kalinga, bago ang insidente, mabilis na nilampasan ng lalaking nakamotorsiklo ang sasakyan ng mga pulis.

Pagkalipas ng ilang sandali ay sumemplang ang motor ng lalaki na agad na nirespondehan ng mga pulis sa Brgy. Bagumbayan, Tabuk City.

Habang tinutulungan ng mga pulis ang lalaki na nakilalang si Jayvee Saguilod, 19 anyos ay dito nila nakita sa loob ng kanyang bag na tumilapon ang marijuana bricks.

Naniniwala si Limmong na galing ng Brgy. Loccong ang nasabing marijuana kung saan residente ang estudyante.

Tinig ni PCOL. Davy Vicente Limmong