-- ADVERTISEMENT --

TUGUEGARAO CITY- Dalawa na namang marijuana plantation sites ang sinira ng mga otoridad sa Kalinga.

photo credit: PNP-Kalinga

Sinabi ni PCOL. Davy Vicente Limmong, Director ng Kalinga PNP na may nagsabi sa kanila sa magkahiwalay na taniman ng marijuana sa Malin-awa, Tabuk City na agad naman nilang pinuntahan.

Binunot at sinunog nila ang mga nasabing marijuana plants na nagkakahalaga ng mahigit sa P2M.

Bukod dito, may nakuha ding mga buto ng marijuana sa isang kubo sa isang plantation site.

Tinig ni PCOL. Davy Vicente Limmong

Samantala, sinabi ni Limmong na isinasailalim na sa interogasyon ang nahuling number 10 wanted person sa Cordillera Admistrative Region.

Sinabi niya na hindi malinaw ang mga sinasabi ni Creston Bagay kung kanino siya kumukuha ng kanyang supply ng illegal drugs.

-- ADVERTISEMENT --

Nahuli kagabi si Bagay sa isinagawang buy bust operation kung saan nakuha sa kanya ang shabu at marijuana na may timbang na 12 grams.

Sinabi pa ni Limmong na isa si Bagay sa mga malakas umano na nagtutulak ng droga sa Region 02 at CAR.