-- ADVERTISEMENT --

TUGUEGARAO CITY- Umabot sa mahigit P23M na halaga ng marijuana ang sinira at sinunog sa limang araw na operasyon ng mga otoridad sa Mt. Chumanchil, Luccong Tinglayan, Kalinga.

Ayon kay PCOL Davy Vicente Limmong, director ng PNP Kalinga, binunot at sinunog ng mga otoridad ang

mahigit 90k na mga fully grown marijuana mula sa 8, 500 sqm na taniman sa naturang lugar.

Nadatnan din ng mga otoridad sa lugar ang nasa 45 kilos ng mga pinatuyong dahon ng marijuana na

nakatakda ng iluwas

Aniya, kinakailangang sumakay at maglakad ng lima hanggang pitong oras paakyat ng bundok bago marating

-- ADVERTISEMENT --

ang naturang taniman.

Natukoy ito dahil sa sumbong ng mga concerned citizen at nahirapan din aniya ang mga toridad na

magsagawa ng monitoring gamit ang drone camera dahil mahamog ang naturang kabundukan.

Wala namang nahuling cultivators ang mga operatiba matapos ang naturang operasyon.

Nabatid mula kay Limmong na aabot na sa halos isang bilyong pisong halaga ng marijuana ang sinira sa

mga isinagawang marijuana eradication mula buwan ng Enero ngayong taon.