-- ADVERTISEMENT --

Tuguegarao City- Umabot sa mahigit P118.7M na halaga ng mga fully grown marijuana ang sinira sa dalawang araw na marijuana eradication sa tatlong sites sa Luccong, Tinglayan, Kalinga.

Sa tala ng PNP Kalinga ay nasa mahigit 28k na mga fully grown marijuana na nakatamim sa mahigit 100k sqm ang sinunog ng mga otoridad.

Bukod dito ay nakita pa sa lugar ang nasa mahigit 270k kilos ng marijuana bricks na nagkakahalaga naman ng magihit P33M ang nakatakda sanang ibiyahe ng mga hindi pa nakikilalang mga suspek.

Walang nadatnang cultivator ang mga otoridad.