TUGUEGARAO CITY-Depression ang nakikitang dahilan ng kapulisan sa pagbigti-patay ng isang magsasaka sa bayan ng Baggao.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, problemado ang magsasaka na si Fred Galera, 62-anyos dahil sa magkasunod na operasyon nito sa gallbladder at kidney.

Sa salaysay ng asawa sa kapulisan, nagpaalam sakanya ang kanyang mister na pupunta sa bahay ng kanilang anak na malapit lamang sa kanila para maglinis dahil nasa ibang bansa ang kanyang anak at walang nag-aayos.

Alas syete ng gabi ng magtaka ang asawa dahil hindi pa umuuwi ang kanyang mister kung kaya’t kanyang sinundan sa bahay ng kanilang anak.

Laking gulat na lamang nito ng kanyang makita ang asawa na nakabitin sa loob ng kwarto ng kanilang anak gamit ang nylon.